KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN
(Hango sa tunay na pangyayari)
ni: MARY ANN T. SANTIAGO
Lunes
ng umaga,pumunta aku sa tindahan ni Aling Paz para bumili ng ulam sa
agahan,katapat ng tindahan na yoon ay ang TAGUM CITY JAIL na
matatagpuan sa Canocotan Tagum City.At ang bahay namin ay katabi lamang
sa nasabing establisyamento.Sa di inaasahang pangyayari may napansin ako
isang lalaki nakaupo at nakasandal sagilid ng tindahan.Hindi ko mawari
sa aking isipan kung bakit ko siya napagtuunan ng pansin.Nakita ko sa
kanyang mukha at mga mata na tila bagang may bumabagabag sa kanyang
isipan.Bigla ako'ng napaisip! kung saan at kailan ko na siya nakita.At
ng nakuha ko na ang aking binili humakbang na ako papauwi ng bahay,bigla
akong napahinto at sumagi sa isip ko ang lalaki nakita ko sa
tindahan.Napaisip ako,siya pala yung kasintahan ng kaklasi ko na si
"Angel"(hindi tunay niyang pangalan) may nabuo mga tanong sa isipan
ko.Ano kaya ang ginagawa niya dito sa lugar namin?May iba kaya siyang
pinuntahan babae na siyang kasintahan niya rin?Sino? tanong ng isip
ko,dahil kilala ko lahat ng mga babae sa lugar namin.Lumipas ang ilang
minuto,naghanda na ako para pumasok sa Unibersidad ng Mindanao (UMTC).
Sa isang lugar ng Unibersidad sa harapan ng silid tatlongpu't anim,nag
umpukan kami mga mag-aaral,magbarkada,nagtwanan,nagkwentuhan, dahil
sabado't linggo hindi kami nagkita maraming napag-usapan.Tahimik lang
ako nakaupo katabi a ng aking kaklasi.Tila ba may hinihintay akong tao
pero yoon ay hindi ko pa tiyak kung bakit at sino?
Pagkaraan ng ilang sandali dumating na yung hinihintay ko si "ANGEL" sa
isip ko sa wakas dumating ka rin masasagot na lahat ng katanungan sa
isip ko na kanina pa naglalaro sa isipan ko.Tumabi siya sa akin hindi na
ako ngdalawang isip nagtanong na ako sa kanya,kung kasama ba siya
kanina ng kanyang kasintahan doon sa Tagum City Jail.At ano naman ang
kanilang ginagawa doon?Sa isip ko paano kung hindi niya alam na pumunta
doon yung kasintahan niya.Para matapos na lahat ng mga katanungan
ko."Angel nakita ko yung kasintahan mo sa lugar namin.Sabi ko sa
kanya,napatingin siya sa akin,blangko ang kanyang mukha,para bang
nagulat siya sa mga sinabi ko sa kanya.At biglang nag uunahan tumulo
yung mga luha niya,at humahagulhol bigla.Hindi ko alam kung anu ang
gagawin ko?may nasabi ba akung hindi maganda sa kanya? sa mga sandaling
yun.Pinatahan ko muna siya,at tila ba umaayun ang pagkakataon sa pinag
usapan namin dahil hindi pa dumating yung propesor namin sa "Curriculum
Development".At ng mahimasmasan si Angel,sinabi niya sa akin kung anu
ang ginagawa ng kanyang kasintahan duon dahil magkasama pala sila,at
siya ay nasa loob ng kulungan sa mga sandaling yuon dahil tiningnan nya
pala ang lalaki sa boung buhay niya hinding hindi niya malilimutan.Ang
tao sumira sa kanyang buhay,pagkatao,pangarap at kumuha ng kanyang pina
ka ingat ingatan niyang puri, sa buong buhay niya.At ang tao muntik ng
dahilan ng pagkawasak ng kanyang mga pangarap.Sa isang iglap lang parang
gumuhu lahat ng pangarap niya sa buhay ang pagkababae niya at lahat ng
respitu sa sarili niya at pagpaphalaga ay muntikan ng mawala.
Isang gabi umuwi si Angel galing sa eskwelahan inihatid siya ng kanyang
kasintahan pauwi ng kanilang bahay.Ngunit hanggang sa daanan lng ng
sasakyan at motorsiklo siya nagpapahatid sa kadahilanang magagalit ang
kanyang "stepfather" kung may lalaking maghatid sundu sa kanya.At sa
gabing yuon habang siya nglalakad paauwi sa kanilang bahay may lalaking
matangkad na sumusunod sa kanya.Sa tantiya niya ay nasa edad na 20-24
taong gulang.Bigla siya hinablot at tinutukan siya ng kutsilyo sa leeg at
sinuntok siya sa sikmura nawalan siya ng ulirat,paggising niya nakita na
lang niya ang kanyang sarili na sa taliban at wala ng saplot katawan
at napagtanto nlng niya sa kanyang sarili na
" NAGAHASA NA PALA
SIYA!!!"NA RAPE SIYA!!!