Lunes, Agosto 11, 2014

Maikling kwento: KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN






KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN
(Hango sa tunay na pangyayari)
ni: MARY ANN T. SANTIAGO

Lunes ng umaga,pumunta aku sa tindahan ni Aling Paz para bumili ng ulam sa agahan,katapat ng tindahan na yoon ay ang TAGUM CITY JAIL na matatagpuan sa Canocotan Tagum City.At ang bahay namin ay katabi lamang sa nasabing establisyamento.Sa di inaasahang pangyayari may napansin ako isang lalaki nakaupo at nakasandal sagilid ng tindahan.Hindi ko mawari sa aking isipan kung bakit ko siya napagtuunan ng pansin.Nakita ko sa kanyang mukha at mga mata na tila bagang may bumabagabag sa kanyang isipan.Bigla ako'ng napaisip! kung saan at kailan ko na siya nakita.At ng nakuha ko na ang aking binili humakbang na ako papauwi ng bahay,bigla akong napahinto at sumagi sa isip ko ang lalaki nakita ko sa tindahan.Napaisip ako,siya pala yung kasintahan ng kaklasi ko na si "Angel"(hindi tunay niyang pangalan) may nabuo mga tanong sa isipan ko.Ano kaya ang ginagawa niya dito sa lugar namin?May iba kaya siyang pinuntahan babae na siyang kasintahan niya rin?Sino? tanong ng isip ko,dahil kilala ko lahat ng mga babae sa lugar namin.Lumipas ang ilang minuto,naghanda na ako para pumasok sa Unibersidad ng Mindanao (UMTC). Sa isang lugar ng Unibersidad sa harapan ng silid tatlongpu't anim,nag umpukan kami mga mag-aaral,magbarkada,nagtwanan,nagkwentuhan, dahil sabado't linggo hindi kami nagkita maraming napag-usapan.Tahimik lang ako nakaupo katabi a ng aking kaklasi.Tila ba may hinihintay akong tao pero yoon ay hindi ko pa tiyak kung bakit at sino? Pagkaraan ng ilang sandali dumating na yung hinihintay ko si "ANGEL" sa isip ko sa wakas dumating ka rin masasagot na lahat ng katanungan sa isip ko na kanina pa naglalaro sa isipan ko.Tumabi siya sa akin hindi na ako ngdalawang isip nagtanong na ako sa kanya,kung kasama ba siya kanina ng kanyang kasintahan doon sa Tagum City Jail.At ano naman ang kanilang ginagawa doon?Sa isip ko paano kung hindi niya alam na pumunta doon yung kasintahan niya.Para matapos na lahat ng mga katanungan ko."Angel nakita ko yung kasintahan mo sa lugar namin.Sabi ko sa kanya,napatingin siya sa akin,blangko ang kanyang mukha,para bang nagulat siya sa mga sinabi ko sa kanya.At biglang nag uunahan tumulo yung mga luha niya,at humahagulhol bigla.Hindi ko alam kung anu ang gagawin ko?may nasabi ba akung hindi maganda sa kanya? sa mga sandaling yun.Pinatahan ko muna siya,at tila ba umaayun ang pagkakataon sa pinag usapan namin dahil hindi pa dumating yung propesor namin sa "Curriculum Development".At ng mahimasmasan si Angel,sinabi niya sa akin kung anu ang ginagawa ng kanyang kasintahan duon dahil magkasama pala sila,at siya ay nasa loob ng kulungan sa mga sandaling yuon dahil tiningnan nya pala ang lalaki sa boung buhay niya hinding hindi niya malilimutan.Ang tao sumira sa kanyang buhay,pagkatao,pangarap at kumuha ng kanyang pina ka ingat ingatan niyang puri, sa buong buhay niya.At ang tao muntik ng dahilan ng pagkawasak ng kanyang mga pangarap.Sa isang iglap lang parang gumuhu lahat ng pangarap niya sa buhay ang pagkababae niya at lahat ng respitu sa sarili niya at pagpaphalaga ay muntikan ng mawala. Isang gabi umuwi si Angel galing sa eskwelahan inihatid siya ng kanyang kasintahan pauwi ng kanilang bahay.Ngunit hanggang sa daanan lng ng sasakyan at motorsiklo siya nagpapahatid sa kadahilanang magagalit ang kanyang "stepfather" kung may lalaking maghatid sundu sa kanya.At sa gabing yuon habang siya nglalakad paauwi sa kanilang bahay may lalaking matangkad na sumusunod sa kanya.Sa tantiya niya ay nasa edad na 20-24 taong gulang.Bigla siya hinablot at tinutukan siya ng kutsilyo sa leeg at sinuntok siya sa sikmura nawalan siya ng ulirat,paggising niya nakita na lang niya ang kanyang sarili na sa taliban at wala ng saplot katawan at napagtanto nlng niya sa kanyang sarili na 
" NAGAHASA NA PALA SIYA!!!"NA RAPE SIYA!!!

3 komento:

  1. Nakakalungkot lang na talagang nang-yayare to sa totoong buhay.dapat mas lalo pang higpitan ang batas sa mga ganitong krimen Sakit.info

    TumugonBurahin
  2. Casino Games at Wooricasinos
    What 저녁 메뉴 룰렛 is the Most Popular Game? In this m bet365 game, the player has to choose one of four choices: 3. Jackpot. The first game, Jackpot, 호날두 주니어 requires 바카라 노하우 no wager, 임요환 포커 but one

    TumugonBurahin